Om Uno El Libro
Ang aklat na ito ay koleksyon ng mga tula sa loob ng mahigit isang dekada (2008-2019). Binubuo ng Isang Daa't Pitong Tula (107) tungkol sa buhay na base sa mga obserbasyon at karanasan ng may-akda. Maingat na pinag-isa upang maging isang aklat, mailimbag, at maibahagi sa mga mambabasa upang magsilbing inspirasyon sa pang-araw-araw na buhay, kapulutan ng mensahe, at magbigay ng mga pagninilay-nilay.
Ito ang pinakaunang koleksyon ng kaniyang mga tula nang magsimula siyang magsulat kaya pinamagatan itong Uno El Libro na hango sa salitang Espanyol. Makikita rito ang iba't ibang kaganapan sa buhay-pamilya, pagkakaibigan, pag-aaral, trabaho, at lipunan. Sa pagbabasa, madadala tayo sa iba't ibang damdaming kinapalooban ng may-akda nang panahong maisulat niya ito na maaaring magbigay sa atin ng pagkabigo o pag-asa.
Vis mer