Om Vitae
"Vitae" ay salitang Latin na sa wikang Ingles ay nangangahulugang "of life" o "ng buhay". Ang mga tula at kwentong nilalaman ng aklat na ito ay patungkol at nagmula sa mga karanasang pinagdadaanan ng iba't-ibang mga tao, ng iba't-ibang buhay.
Tinatangka ng mga kathang naririto na makagpagbigay-aliw sa mga pusong hinahamon ng mga nakapagpapahina't nakalulungkot na mga pagsubok. Ninanais din ng piyesang ito na mabigyang-diin na ang pakikipagsapalaran sa buhay ay palaging isang pagsasama ng mga lungkot at saya. Na ang isang perpektong buhay ay maaaring tumukoy sa paghahalinhinan ng luha at tuwa, ng ngiti at hapdi. Pagkat ito ang likas na takbo ng ating pakikipamuhay sa mundo, o kung hindi man, ay itinataya ng kabuuan ng kathang ito na ang mga pighati ay isang panulukan upang mas higit na maunawaan ang kahulugan ng galak at kasiyahan.
Vis mer